Buhay Estudyante

5:32 PM 2 Comments A+ a-

ANG HIRAP MAGING ESTUDYANTE. Kadalasan kong marinig sa mga kapwa ko estudyante din. Di naman natin maitatanggi yun eh. Parang buong buhay natin, nag-aaral tayo. kung iisipin, parang nakakapagod din. Parang paulit-ulit. Pero gayunpaman, masaya pa rin. Di naman lahat nakakaranas nung mga bagay na nararanasan natin bilang estudyante. MASWERTE TAYO KASI ESTUDYANTE TAYO.



Katulad ng nakikita natin ngayon sa picture, masasabi ko na ganyan na ang mga estudyante ngayon. Kung dati ay bahay-eskwelahan-bahay lang, ngayon ay talagang moderno na. ang mga estudyante ngayon ay "innovative" at "techie" na. Di ko naman inilalayo ang sarili ko sa pagiging ganyan. Nag-iba rin ako, lalo na nung pumasok ako sa college. Kung noon ay sa library pa ko nagreresearch, ngayon, basta may internet ka, sa isang click lang, andyan na yung kailangan mo. Kumbaga, mas pinadali na yung buhay natin bilang mga estudyante.


Bakit nga ba ganito yung takbo ng mga sinasabi ko? Ano nga bang pinupunto ko? Hmm. Isa lamang itong panimula sa mga marami pang kwentong ibabahagi ko bilang estudyante. Tatalakayin ko din yung mga totoong pinagdadaanan ng isang estudyante, maganda man o pangit.


I created this page in my blog to be able to share what I am as a student. my triumphs and struggles, experiences, and my aspirations. this is to show that every student has his own story, that anyone can relate to.


Kaya naman, kung estudyante ka. kahit ano pa man ang estado mo, FEEL KITA, FRIEND. Kasi ang kwento mo, kwento ko rin. :) 

2 comments

Write comments
Unknown
AUTHOR
12:02 PM delete

Hi Mari how are you, i'm looking forward for more blog of yours.

Reply
avatar
Unknown
AUTHOR
12:02 PM delete This comment has been removed by the author.
avatar